ANG PANINIRA KAY KONG. JUN ABAYA AT ANG PATULOY NA PAMIMILIT SA CITYHOOD (NANG WALA SA LUGAR)

Ang kakapal talaga ng muka ng ilang mga tao sa mundong ibabaw! Lalo pa kung mga kilalang pinche culero pa ang mga namumuno sa isang bayan!

Nitong nakalipas na weekend lang ay ipinakalat ng mga pwersa ng pinaka-tarantadong meyor sa buong Timog Luzon ang isang white paper (oo nga’t sa literal sense ay nasa putting papel ito, kaya lang tinawag din iyun sa gayun dahil ang pawang nakasulat duon ay 101% paninira lang!) na puno ng atake at pamemersonal kay Kinatawan Jun Abaya ng unang distrito ng Kabite. Yun ay dahil sa kanyang umano’y pagpatay sa panukalang gawingbing hiwalay na lungsod ang Bacoor mula sa kasalukuyang estado nito bilang bayan (town/municipality).

Una sa lahat ay nagpapasalamat ang pahinang ito sampu ng higit na nakararaming mamamayan ng Bacoor kay Kong. Jun Abaya sa pagsasaalang-alang nya sa mas tam at mas dapat pagtuunan ng pansin ng mga namumuno (kuno) sa aming bayan kesa sa pagbigyan ang isang panukalang sa mula’t-sapul ay dala lang ng pansariling interes at pagnanansa sa kapangyarihan upang maipagpatuloy ang panghuhuthot sa pera ng sangka-Bakoor-an. Kahit papano ay nanaig ang sigaw na dapat maayos muna ang pamamalakad ng BAcoor kesa sa korapsyon at walang-saysay at supot na pagpapapogi lang!

Ngunit may isang grupo ng mga talunan na imbis na tanggapin ang pagkatalo sa pagpapalibang ito ay umasta pa na parang mga sandamakmak na gago sa pamamagitan ng naturang white paper na nilimbag pa nila sa wikang Ingles at naglalaman lang talaga ng kasinungalingan! Sa halip na maging isport lang ay naglabas ng katakut-takot na kawalang-kwestang pananalita at tila baga ay pinipilit pa rin ang cityhood ng Bacoor na para bang dapat ipasa na sa Kamara de Representante ang panukala at sinisisi pa sya sa kanilang pagkatalo, marka ng msa pasaway na mas matitindi pa sa matitigas ang ulo!

Papalapit na nga ang halalan — kung tutuusin ay may limang buwan na lang mula ngayon — pero naman kahit katiting na impormasyon sa paraang pautos (iba sa pakiusap) ang nilalaman ng naturang sipi ay masasabi rin na pampahatak-pababa dahil sa pagpapasama nila hindi lang sa kasalukuyang nakaupo na Abaya kundi maging sa ama nito na si dating Kinatawan Del Abaya. Kaya ipinasok ang angulo ng halalan sa susunod na taon ay dahil sa dalawang bagay:

1. Kung matuloy ang cityhood bago ang halalan ay siguradong makatatakbo ulit ang meyor na pinche culero dahil paso na ang kanyang termino sa katungkulan (meyor na sya mula pa noong 1998), at

2. Kung hindi man matuloy (na siyang dapat na mangyari) ay kakalabanin sa pagka-kinatawan ng pinche culero na may inisyal na “JBC” ang batang Abaya na sa loob lang ng 2 1/2 taon ay may ginawa para sa kanya nasasakupan, di tulad ni Codename Asspog na sa loob ng tatlong termino ay WALA naman talagang gunawang maayos para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Bacoor at sa halip ay puro papogi ng wala sa lugar at korapsyon ang tanging inaatupag nito.

Sa madaling sabi at sa dikta ng sentido komon, halatang ang motibasyon sa pagpipilit ng cityhood ay PANSARILING INTERES LANG!!!

Manapa, pinalalabas nilang masama at buktot (at demonyo) ang nakababatanbg Abaya dahil sa pag-antala daw nito sa panukalang cityhood (kasi nuong Agosto 2006 ay nag-sampa siya ng kanyang bersyon ng cityhood bill sa Kamara gayung siya ang karapat-dapat na maging isponsor dahil siya ang kongresman ng distritong sumasaklaw sa Bacoor) samantalang sila na mga alipores ng pinaka-gagong meyor sa buong Timog Luzon ang lumalabas na tama o mga anghel.

Ewan ko ba, hindi rin maiwasan ng sangka-Bakoor-an na ang pera na ginamit sa paglilimbag at pagpapakalat ng naturang paninira ay galing sa buwis na binabayaran ng mga Bakooreño na asang-asa na sa maayos mapupunta ang kanilang ambag (ngunit hindi nga pala nila nakikita ang bunga dahil puro pagpapapogi lang ang ginagawa ni Asspog)! Syempre malaking kalokohan na yan, kasama na ang pagsasaprayoridad sa cityhood at all costs at pagpapalabas na yun lang ang solusyon sa mga isyu ng bayan kesa sa talagang maayos muna ang mga problema ng pambungad na bayan ng Kabite tulad ng palpak na koleksyon ng basura, malalang trapik, at makupad na pagbibigay ng mga batayang serbisyo sa taumbayan!

Tignan ninyo, ang Bacoor ay tinuturing na pambungad na bayan sa Kabite makalampas sa Metro Manila, pero bakit sa kabila ng pagmamayabang ni Asspog ay nauungusan pa ito ng mga bayan ng Dasmariñas, Carmona, Imus, at maging ng General Trias at Rosario (na di-hamak na may mas episyenteng pamahalaang-bayan at kitang-kita naman doon sa mga proerkto kung saan napupunta ang buwis na binabayad, lalo sa Dasmariñas at Imus) — sa madaling salita ay napag-iwanan na ang Bacoor!!! Eh saan ba kayo makakakita ng:

1.  Kandidato sa cityhood pero hindi naman maayos ang pangungulekta ng basura dahil sa WALANG maayos na programa na pinatutupad ang munisipyo (pero kung mag-buwis sa basura ay napakabilis naman; ika nga ay pera sa basura) at walang kuleksyon ng basura kapag Sabado — saan ka pa?

2.  Ang hepe ng pulisya dapat para sa isang kandidato sa cityhood ay may ranggong superintendent o kolonel pero sa Bacoor na kandidato sa cityhood ay isa LANG chief inspector or major (na yun ang karaniwang puno ng pulisya sa isang fourth-class o sixth-class municipality) ?

3.  Di-maayos na serbisyo para sa tao tulad na lang ng ambag sana para sa paospital ng konstitwente (paano ba naman kasi mas inaatupag pa ng walang silbing meyor ng Bacoor ang paglalaro ng golf sa Alabang kada hapon kesa harapin ang trabaho nito meaning naandun lang siya sa Munisipyo kapag umaga)?

Pero teka, bakit imbis na magtrabaho na lang sila sa nalalabi pang panahon ng termino nang kahit papaano’y maayos ng konti ang reputasyon nila sa publiko ay umaasta na silang mga talunan sa pamamagitan ng mga cheap shots? Di ba nakakainis ang ganun?

Hindi namin isinusulat ito upang ipagtanggol ang isang tao o anuman, kundi upang isiwalat ang kabulastugan na ginagawa ng ilang grupo ng tao na imbis na ang dapat na ginagawa sa puntong ito ay nagbibigay ng serbisyo na tapat sa mamamayan ay gumagawa ng LAHAT ng paraan — kahit pa buktot ito sa mata ng tamang-asal — maisulong lang ang kanilang interes, kahit pa mas maraming tutol sa kanilang panukala. Pinatutunayan lang nila sa mga inaasta nila sa mga nakaraang araw na hindi sila karapat-dapat pang tumagal pa sa pwestong kanilang kinakapitang-tuko sa pamamagitan ng palpak na pamamalakad at korap na gawain. At ang panghahatak-pababa sa mga taong may tunay na malasakit sa bayan ay kailanma’y hindi dapat pamarisang-lubos!

HUWAG NATING HAYAANG MAGPALOKO AT MAGPAGAMIT SA MGA TAO NA NANINIRA NG IBA MAITAGUYOD LANG ANG KANILANG PANSARILING INTERES AT MAYURAK ANG INTERES NG TAUMBAYAN!!!

SERBISYO NA TAPAT SA TAO MUNA, HINDI PILIT AT AGARANG CITYHOOD!!!

Advertisement

One Response to “ANG PANINIRA KAY KONG. JUN ABAYA AT ANG PATULOY NA PAMIMILIT SA CITYHOOD (NANG WALA SA LUGAR)”

  1. charlie Says:

    Hindi ako taga Kabite, pero napadaan ako doon at nainis sa trapik. Parang dapat na yatang palitan ang nakaupo doon. Kailangan ikalat ang blog mo. Mabuhay ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.